Inaasahan na sa susunod na buwan ay bubuksan na ang bagong rehabilitate na Municipal Slaughter House sa barangay Toboy ayon kay Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
Sinabi ng Alkalde na layon ng nasabing pasilidad na maging mas maayos at malinis ang proseso ng mga karneng kakatayin at ibebenta sa ating palengke.
Dagdag pa dito bibili din ang lokal na pamahalaan ng isang refrigerated truck na gagamitin upang masigurong ligtas na makakarating ang mga karne sa pamilihang bayan.