Upang matiyak ang kaligtasan ng mga bata sa nalalapit na pagbubukas ng klase at bilang paghahanda ngayong tag-ulan at pagpasok ng bagyo ay nagsagawa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pangunguna ni ni Dr. Jesus Cardinez ng pruning sa iba’t ibang barangay at eskwelahan.
Posibleng umabot sa dalawa hanggang tatlong bagyo ang mamuo o pumasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Hulyo ayon yan sa PAGASA.