Nasa tatlong libo at limang daang (3,500) bags ng dekalidad na inbred seeds mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF ang kasalukuyang ipinapamahagi ng Municipal Agriculture Office sa pangunguna Minerva Rosas, ang tumatayong Municipal Agriculturist.
Aabot naman sa dalawaang libo at limang daang (2,500) mga magsasakang rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA mula sa dalawampu’t isang barangay ang benepisaryo rito.
Layunin ng RCEF Seed Program na maghatid ng suporta sa mga magsasaka upang makamit ang 10% na pagtaas ng ani at mabawasan ang gastos sa produksyon.
Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga libreng de-kalidad na binhi.
Ang RCEF ay binubuo ng apat na seksyon: Mechanization Program, Seed Program, Credit Program, at Extension Services Program.