Isinagawa ngayong araw ng Martes ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang orientation tungkol sa R.A. 11861 o kilala bilang “Expanded Solo Parents Welfare Act”.
Layon ng aktibidad na maipabatid ang impormasyon tungkol sa mga karagdagang benepisyo na maaaring ibigay ng pamahalaan sa mga solo parent alinsunod sa itinakda ng nasabing batas.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng nasa isangdaan at siyam na solo parent mula sa bayan ng Asingan.