Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

MSWD, TUMANGGAP NG BAGONG TRICYCLE MULA SA LGU ASINGAN

May
5,
2021
Comments Off on MSWD, TUMANGGAP NG BAGONG TRICYCLE MULA SA LGU ASINGAN


MSWD, TUMANGGAP NG BAGONG TRICYCLE MULA SA LGU ASINGAN

Ipinagkaloob nitong umaga ng LGU Asingan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr ang isang tricycle sa Municipal Social Welfare & Development Office (MSWD).
“Nakita ko naman kung gaano kahirap yung kanilang trabaho lalong lalo na yung pagpunta doon sa mga barangay at liblib na mga purok natin para ideliver lang yung basic services po ng DSWD. Nagcocomute kung minsan, minsan naglalakad sila eh sa init ng panahon at saka sa layo ng mga barangay natin nakita ko yung kahalagahan ng bagong tricycle para sa kanila… para yung pinakadulo ng bayan natin is mapasok nila thru yung bagong tricycle na binigay natin sa kanila” ani Mayor Lopez.
Masaya naman na tinanggap ni Teresa Mamalio, Municipal Social Welfare and Development Officer ng Asingan ang bagong sasakyan.
“Nagpapasalamat kami sa local government unit ng Asingan na pinamumunuhan ng ating napaka supportive na Mayor Lopez Jr, ganun din kay Vice Mayor Chua at mga members ng Sangguniang Bayan. Maraming salamat sa pagbigay niyo sa amin ng tricycle… yan po talaga ay malaking tulong sa amin sa pagbisita namin, sa pagconduct namin ng mga home visits, sa ating mga kliyente para mas maganda pa yung delivery ng social welfare sevice sa ating mga kababayan… lalo na yung mga poor families at yung mga victim of violence and abuse.” saad ni Mamalio.
Kamakailan ay pinasinayaan ang bagong dalawang palapag na gusali ng MSWD Na nagkakahalaga ng Php 6Million.
“May mga pondo pa na nilaaan natin sa kanila [MSWD] para magbigay ng mga basic services kagaya po ng financial assistance, yung mga programa natin sa mga PWD, sa mga STAC children at sa lahat po ng sangay ng nangangailangan andyan po naka cater sa DWSD.I hope magkaroon sila ng inspirasyon na hindi natin sila pinapabayaan” dagdag ng alkalde.
Romel Aguilar / JC Aying
Kung mayroon kang kwento, larawan o video na nais mong ibahagi, i-send as private message sa facebook page ng PIO Asingan

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top