Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Miyembro ng LGBTQ Kabilang sa 244 PWDs na Nakatanggap ng Tulong Pinansyal Mula Cash for Work Program ng DSWD

Oct
16,
2024
Comments Off on Miyembro ng LGBTQ Kabilang sa 244 PWDs na Nakatanggap ng Tulong Pinansyal Mula Cash for Work Program ng DSWD

Miyembro ng LGBTQ Kabilang sa 244 PWDs na Nakatanggap ng Tulong Pinansyal Mula Cash for Work Program ng DSWD

Lumaki mang mayroong kapansanan, hindi ito naging hadlang upang matulungan ng limampu’t anim (56) na taong gulang na si Warly Ojas ng Barangay Coldit, Asingan ang kanyang pamilya partikular ang kanyang ina sa pamamagitan ng pangangalakal ng bakal at bote.
Kaya laking tuwa na lang niya ng mapabilang sa dalawandaan at apatnapu’t apat (244) na persons with disabilities (PWDs) sa KALAHI Cash For Work program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“Makakatulong po ito kasi dalawa na lang po kami ng mother, yung pera po na ito gagamitin ko po sa pagbabakal bote ko po. Hindi naman po ako pwede lumayo kasi nag aalaga po ako ng nanay ko. Kaya maraming maraming salamat po sa sa pagbibigay ng ayuda po.”
pasasalamat ni Ojas.
Ang KALAHI Cash For Work program ay bahagi ng KALAHI-CIDSS Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay (KKB) Cash-For-Work Program (CFWP) ng DSWD.
Layon ng programang ito na magbigay ng pansamantalang tulong pinansyal kapalit ng community service sa mga indibidwal na mayroong kapansanan.
Sa pamamagitan nito ay nabibigyan ng pagkakataong makita ang mga mahahalagang kontribusyon ng mga PWD sa ikauunlad ng lipunan.
“Nakakaproud po kasi kahit papaano yung kasama [PWDs] nabigyan sila ng tsansa magkaroon ng income kahit sa 10 days lang. Lalong lalo na yung mga nagma-maintenance, nag-gagamot, tinarget kasi talaga ng [PWD] president yung mga hirap sa buhay.” pahayag ni Persons with Disability Affairs Officer (PDAO) Rose Ann Alfonso.
Sa kasalukuyan ay nasa isang libo isangdaan at animnapu’t dalawa(1,162) ang “rehistradong” miyembro ng Asingan Federation of Person’s with Disability (AFPWD).
(Mel Aguilar, JC Aying / Asingan PIO)

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top