MGA SENIOR CITIZEN, BUNTIS AT PWD NG BARANGAY PALARIS, SAN VICENTE WEST AT CAROSUCAN NORTE PRAYORIDAD NGAYONG LINGGO
Ngayong Lunes August 23 hanggang August 28 ay uunahin ng Philippine Identification System (Philsys) Asingan na bigyan ng priority lane para sa rehistrasyon ng Step 1 at Step 2 ang mga Senior Citizen, Persons with Disabilities (PWD) at mga buntis mula sa Barangay Palaris[August 23-24 ]; San Vicente West [August 25-26 ] at Carosucan Norte [August 27-28 ].
Bawat Linggo ay nasa tatlong barangay ang mabibigayan ng prayoridad upang maiayos ang kanilang rehistrayon ng Step 1 at Step 2 ng National ID.
“Kukuha muna sila ng number doon sa barangay (Barangay Secretary) nila kasi yun na po yung basis namin na galing sila sa barangay na yun, pag walang pirma po ng secretary hindi po natin ica-cater.” saad ni Jessica Mariano, Supervisor ng PhilSys Asingan.