MGA PRODUKTONG GAWA NG PWDs, INILALAKO NA SA PAMILIHANG BAYAN
Dahil sa pandemya dulot ng COVID-19, nagkaroon ng malaking hamon sa trabaho at pagnenegosyo ang mga miyembro ng Persons With Disabilities (PWDs) sa Asingan.
Gayunman, naging daan ang isinagawang skills training ng Municipal Social Welfare and Development Office upang kumita ang nasabing grupo.
Ginamit ng PWDs ang kanilang natutunan para makagawa ng iba’t ibang produkto gaya ng paso, kandila at doormat na sa ngayon ay maaari nang mabili sa merkado.
Para sa mga nais bumili ay matatagpuan ang kanilang tindahan malapit sa papasok ng palengke, malapit sa wet and dry section. Bukas mula araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Romel Aguilar / JC Aying