Mga pasaway na lalabag sa ECQ, aarestuhin agad – PNP
Hindi pagsusuot ng Face Mask at hindi pagsunod sa Social Distancing sa pampubilikong lugar sa Asingan, may katapat ng multa
Mas pinahigpit pa ng Philippine National Police (PNP) ang ipinatutupad nitong enhanced community quarantine sa Luzon. Nauna ng inihayag ni PNP Chief General Archie Gamboa, hindi na magbibigay ng babala ang pulisya sa mga mahuhuling lumalabag sa quarantine protocols at agad na silang aarestuhin at isasailalim sa inquest proceedings.
“Patungkol po doon sa mga violators po natin, so continuous pa rin yung panghuhuli po natin. Sad to say na meron pa talagang pasaway marami pa talaga, so ang ginagawa po natin doon fa-filan po natin ng kaso as per directive from our national headquarter. “, saad ni Police Major Leonard Zacarias, Officer in Charge ng Asingan PNP.
Hindi bababa sa dalawang daang piso ang multa para sa mga mahuhuling hindi nakasuot ng facemask at hindi sumusunod sa physical distancing ayon kay Municipal Treasurer Imelda Sison.
Sa huling datos, simula noong Marso 17, 185 na ang nasitang lumabag sa RA 11332 at RA 9271, kung saan karamihan sa mga ito ay nagmamaneho ng walang lisensya at hindi pagsunod sa mga pulis.
Kasama din sa mga napapatawan ng multa ang pagmamaneho ng paso ang lisensya, pagmamaneho ng lasing, pagmomotor ng walang helmet at pag-angkas.
?? Akosi MarsRavelos