Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Mga paalala patungkol sa bagong guideline ng pag uwi o pagpasok sa Asingan

May
4,
2021
Comments Off on Mga paalala patungkol sa bagong guideline ng pag uwi o pagpasok sa Asingan


Mga paalala patungkol sa bagong guideline ng pag uwi o pagpasok sa Asingan mula sa ibang probinsya ayon sa inilabas na Executive Order number 20 series of 2021
1. Pansamantala munang hindi makakapasok sa bayan ng Asingan ang mga indibidwal na manggagaling mula sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ / MECQ (Metro Manila, Bulacan, Cavite hanggang May 14) at mula na rin sa Santiago City sa Isabela, Quirino, at Abra hanggang May 31 at sa mga critical/special concern area maliban lamang sa mga kaso ng APORs, emergency/humanitarian cases, at pagbiyahe ng mga indispensable supply.
2. Para sa mga manggagaling sa mga lugar na MECQ na papasok ng Asingan, kinakailangang magpakita ng patunay na sila ay sumailalim sa RT-PCR at NEGATIBO sa COVID-19 pitong araw bago pumasok sa bayan. Kakailanganin din na dumaan ang mga ito sa Triage Area (8:00AM hanggang 5:00PM Lunes hanggang Biyernes) sa Rural Health Unit o sa kani-kanilang mga barangay (kapag naabutan ng after-office hours, weekend, o mga holiday) ;
3. Travelers from GCQ (Apayao, Baguio City, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya; Batangas, Quezon; Tacloban City; Iligan City; Davao City; and Lanao del Sur) and MGCQ areas must report to the Triage Area/RHU and barangay for health evaluation. Asymptomatic travelers may be allowed to go home while travelers who exhibit Covid-19-related symptoms shall undergo appropriate testing and/or quarantine;
4. Para sa mga manggagaling mula sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ (Apayao, Baguio City, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya; Batangas, Quezon; Tacloban City; Iligan City; Davao City; at Lanao del Sur) at MGCQ, kailangan na magtungo muna sa Triage Area/RHU o barangay para sa health evaluation. Papayagan na makauwi ang mga taong walang sintomas ng COVID-19 (asymptomatic), habang mandatory na isasailalim sa testing at quarantine ang mga makikitaan ng sintomas;
5. Hindi na kailangang magpakita ng Travel Authority, Medical Clearance Certificate, o Letter of Acceptance ang mga biyahero na hindi dadaan lamang sa Asingan papunta sa kanilang destinasyon na ibang bayan
6. Required na gamitin ng mga biyahero ang S-PASS (Safe, Swift, and Smart) Travel Management System para sa mga requirement ng LGU.
Romel Aguilar / JC aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top