Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

MGA MAKATANG KABATAAN PINARANGALAN SA PAGSUSULAT NG TULA TUNGKOL SA PANDEMYA

Sep
2,
2021
Comments Off on MGA MAKATANG KABATAAN PINARANGALAN SA PAGSUSULAT NG TULA TUNGKOL SA PANDEMYA
MGA MAKATANG KABATAAN PINARANGALAN SA PAGSUSULAT NG TULA TUNGKOL SA PANDEMYA; VIDEO AT POSTER MAKING CONTEST ILULUNSAD NGAYONG TOURISM MONTH
Kamakailan ay binigyang pagkilala at parangal ng lokal na pamahalaan ng Asingan ang mga kabataan na nagpakita ng kahusayan sa pagsusulat ng tula sa inilunsad na ASINGANYAK PARA SA PAMBANSANG WIKA, ISANG PATIMPALAK SA PAGSULAT NG TULA bilang bahagi ng selebrasyon ng buwan ng Wika ngayong taon.
Napanalunan ng labing siyam na taong gulang na si Nessa Solis mula sa barangay Calepaan ang naturang patimpalak.
“Yung naging inspirasyon ko po dito is para din po mamulat po kasi yung mga kabataan na katulad ko na mas ginagamit na po na kasi yung ibang wika halimbawa po yung Korean. Mas tinatangkilik na po kasi yung mga wikang ganun nakakalimutan na po yung wika natin na pilipino.” pahayag ni Solis.
Kwento ni Solis kinailangan niya lang ng dalawang araw upang maisulat ang tula.
Napanalunan nito ang unang gantimpala na limang libong piso.
“Mas aralin po natin yung wika po natin kung saan nanggaling, kung paano gamitin ng tama at pahalagaan at kung ano ang importansya ng pagmamahal natin sa sarili nating wika.” dagdag ng dalaga.
Tema sa naturang patimpalak ay’ Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino’.
Samantala ayon kay Michael Soliven, Tourism Officer ng bayan ng Asingan ngayon buwan ng Setyembre ay magsasagawa siya ng kumpetisyon para sa paglikha ng Video at Poster Making tungkol sa bayan ng bilang selebrasyon ng Tourism Month.
Romel Aguilar / Photo Rome Butuyan Bagood

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top