Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

MGA MAIS AT PALAY BUYERS MULA SA IBANG BAYAN NA WALANG PERMIT, PAGMUMULTAHIN

Oct
28,
2020
Comments Off on MGA MAIS AT PALAY BUYERS MULA SA IBANG BAYAN NA WALANG PERMIT, PAGMUMULTAHIN


MGA MAIS AT PALAY BUYERS MULA SA IBANG BAYAN NA WALANG PERMIT, PAGMUMULTAHIN
Bilang na ang araw ng mga mais at palay traders mula sa ibang bayan na mag-ooperate dito sa Asingan sakaling maaprobahan na ng Sangguniang Panlalawigan. Pumasa sa pangatlong pagdinig kamakailan sa Sangguniang Bayan ng Asingan ang isang ordinansya na naglalayong magkaroon ng kaukulang papeles ang traders sa pakikipag transaksyon.
“We conducted public hearing, bale twice kami nagkaroon. Pinatawag namin ang mga traders dito sa ating bayan ng Asingan at saka representative sa ibang bayan din. Approve na yung ordinance natin dito sa ating bayan na lahat ng mga traders sa ibang bayan dapat kumuha ng Mayors permit.” saad ni Councilor Melchor Cardinez.
Pabor naman ang apatnapu’t anim (46) na taong gulang na palay trader na si Aristeo “Whiskey” Garcia hinggil sa pagbubuwis sa mga traders na dadayo sa Asingan.
“Ganun din naman kami sa ibang mga bayan– nag pe-permit kami sa Tayug, Sta. Maria, San Manuel. Nagbibigay talaga kami, dapat pumatas din sila dapat give and take lang yan.” ani Garcia, na pitong taon ng palay trader.
Ang mga multa ay P1000, P1500, at P2,500, para sa 1st offense, 2nd offense at 3rd offense ayon sa pagkakasunod.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top