Mga LSI at ROF na babalik ng Asingan, Triage muna bago bahay
Ngayong umaga ay nagsagawa ng emergency meeting ang mga miyembro ng IATF Asingan hinggil sa bagong dalawang kaso Covid 19.
“Tulong tulong po tayo sa information dissemination na bago umuwi ng bahay ay triage po muna para doon evaluate po natin sila ng maayos. Kung pu-puwede, three to four days mag stay muna sila sa triage natin bago uuwi para yung fourth day i-rapid test at kung nag negative papauwiin natin.” pahayag ni Mayor Carlos Lopez Jr
Naghahanda na rin ang lokal na pamahalaan sa posibleng pagdami ng mga uuwing Locally Stranded Individual (LSI) at Returning Overseas Filipinos (ROF).
“Na-maintain natin ang bayan natin ng maayos kahit nagkaroon man tayo nung previous, na-maintain natin ang province ang ganda nga ng sistema ni Gov pero ito’t nag sisi-uwian na kahit sinong bayan matatamaan na po.” saad ng alkade.
Paalala sa mga uuwing mga LSI at ROF sa bayan Asingan: ang triage maging ang quarantine facility ay matatagpuan sa Alpha Pools. Bukas ito mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon araw araw. Sakaling kayo ay pupunta ng lagpas na sa oras, maaring magtungo sa Rural Health Unit (RHU) na matatagpuan malapit sa PNP Station upang magpatala.
“Yung usapan kasi natin sa BHERT na Triage muna bago bahay, so please paki reiterate sa kanila na kung hindi nila kayang papuntahin sa triage yung LSI o ROF, itawag kay hepe, at PNP ang kukuha sa kanila kesa pabayaan natin na magka close contact sa mga family members nila kawawa tayo sa contract tracing “ ayon kay Lopez.
“Sunod sunod na po yan huwag na po kayong aasa na every week walang magpa-positive galing outside Pangasinan. Marami pa pong dadarating galing ng ibang bansa eh gusto nila direcho ng Asingan eh sabi ko hindi may patakaran ang OWWA.” dagdag ng alkalde.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying