MGA KABABAYAN NA UUWI NG ASINGAN, KAILANGAN PA RIN DUMAAN NG TRIAGE; MAYOR LOPEZ, UNANG MAGPAPABAKUNA NG SINOVAC PAG DUMATING NA
Sa inilabas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) na Resolution no. 101 ay hindi na kailangan pang kumuha ng travel authority mula sa Philippine National Police (PNP) at medical certificate mula sa lokal na pamahalaan (LGU) ang mga babyahe o uuwing mga kababayan.
Pinaalalahanan ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang mga barangay na kailangan pa rin na magparehistro ang mga kababayan na uuwi ng Asingan sa Triage.
“Ado dagidiay bagbaga da ditan nga dahil sa na lift na po ang travel ban yung mga requirement sa pagtravel hindi na po kailangan ang papunta po sa ating triage. Kailangan pa rin silang dumaan sa triage o kung didirecho man ng barangay eh dadalhin pa rin sila dito sa sa triage o kaya sa RHU, Hind po tayo bibitaw doon because that is our only hope para po masigurado na ang mga darating na kamag anak natin, mga kaibigan eh wala pong dalang virus ng COVID 19 para safe po ang ating mga pamilya.” Pahayag ng alkalde
Sa datos na inilabas ng Rural Health Unit of Asingan, may limang aktibong kaso ng COVID-19 ang bayan.
“Sinno to met laeng ti marigatan hindi po sila tayo rin po mahihirapan, ilolockdown natin yung isang compound wenu saan ilockdown tayo ti maysa mga barangay. Paano po yung ibang kababayan natin na umaasa lang po sa pang araw araw na pamumuhay? Ng pang araw araw sa pagnenegosyo? Paano po sila kung tayo po ay iresponsible na constituent ng ating bayan? Kung hindi po sila susunod sa ating mga protocols pagawidin niyo isu dan wala po silang puwang na pumasok dito sa bayan” saad ni Lopez.
“Sitno awanen ti issue agpavaccine ak nga ipa-live ko through sa PIO para po lahat tayo ay magkaroon ng kumpiyansa. Isipin po natin hindi po tayo babalik sa normal activities natin hanggat hindi po tayo na vaccinenan lahat. Hindi po tayo babalik sa walang facemask, walang faceshield hindi tayo makakapunta kahit saan saan hindi po natin maeenjoy ang buhay kung hindi po tayo susunod sa protocol po ng ating national government” dagdag ni Mayor Lopez.
Bukas March 2 ay magsasagawa ng pagpupulong ang mga miyembro ng IATF Asingan upang isapinal ang executive order.