Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Mayor Lopez Jr nagbabala sa mga empleyado ng munisipyo na hindi pa sumasailalim sa drug test

Jul
2,
2024
Comments Off on Mayor Lopez Jr nagbabala sa mga empleyado ng munisipyo na hindi pa sumasailalim sa drug test
Sa ginanap na Monday Flag raising ceremony ay nagbabala si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. sa mga empleyado at maging sa mga job orders ng munisipyo na hindi pa sumasailalim sa drug test.
Sa huling datos ng Municipal Health Unit ay nasa isangdaan at apatnapu’t dalawa pa lamang ang kumuha nito na pawang negatibo.
Ayon sa alkalde ay kanyang pinag-utos ito upang matiyak na ang lahat ng mga nagta-trabaho sa munisipyo ay drug-free.
Pormal na idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan sa pangunguna ni Provincial Officer Investigation Agent V Rechie Camacho kasama si PNP Provincial Director Police Colonel Jeff Fanged ang bayan ng Asingan bilang “Drug Cleared Municipality matapos makapasa sa Barangay Drug Clearing Deliberation ng Regional Oversight Committee noong August 22, 2023.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top