Simula noong Hunyo 7, nagbalik-operasyon na ang barbershops at salons sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) katulad ng bayan ng Asingan.
Ayon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), pwede magbukas pero hanggang 30 percent capacity lamang.
“Ayos naman po sir, meron naman nagpupuntahan na nagpapagupit pero kailangan ko limitahin yung mga tao kaya nga merong social distancing. Sa ngayon po nakalabing-pitong (17) kustomer ako.” pahayag ni Alberto Directo, 54 taong gulang at may-ari ng barbershop sa pamilihang bayan.
Sa inilatag na guidelines ng DTI, kabilang dito ay ang contactless appointments at payments.
“Bago ka makapasok dito, nakamask ka. May nakalagay na anti-bacterial alcohol dyan sa labas tapos kailangan mong lagyan ng alcohol yung kamay mo. Then social distancing sa loob ng parlor. Through chat po or messenger magpopost na lang ako sa facebook then icha-chat na lang po nila ako may scheduling siya.” saad ni Arje Esteban, may ari ng salon.
Sa ngayon ay naglalaro mula P60 hanggang P70 ang presyo ng pagpapagupit.
Natuwa naman ang ilang kustomer sa pagbubukas muli ng barbershops at salons.
“Ok naman, presko kasi natanggalan ng kunting buhok. Sa ngayon kasi masyadong mainit. Maganda naman at nagbukas na uli ang mga pagupitan kasi noong nakaraang buwan pa ako nagpagupit.” kwento ni Daniel Osias Jr. ng Barangay Carosucan norte.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying