MGA ASOSASYON NG MGA MAGSASAKA SA ASINGAN NA HINDI PA NABIGYAN NG MAKINARYA, PRAYORIDAD NGAYONG 2021
Palay ang isa sa produktong pang-agrikultura sa bayan ng Asingan at upang lalong mapa-usbong ang sector na ito ay nakahandang tumulong ang lokal na pamahalaan.
Sa ginanap na ika-limang General Assembly ng grupong Aragaag Farmers SWISA, Inc., kamakailan ay binigyang diin ni Mayor Carlos Lopez Jr., sa kaniyang mensahe ang kahalagahan ng mga magsasaka at ang mga tulong ng na pwedeng kunin sa gobyerno isa na dito ang mga makinarya na magagamit upang lalong mapadali ang produksyon ng palay.
“Meron na mga nakakuhang mga organization ngayon so syempre gusto natin na lahat ng organization na accredited ng LGU at ng National Government na makakuha ng equipment. So yung mga nakakuha na hindi pa sila nabibigyan ng endorsement na manggagaling sa opisina ko at saka sa opisina ng DA, para bigyan din ng pagkakataon ang iba na makatanggap ng ayuda sa pamamagitan ng farm mechanization program ng national government” ayon sa alkalde.
Ngayong taon ay nakatakdang mabigyan ng tulong makinarya ang mga asosasyon ng mga magsasaka mula sa barangay Domanpot, Toboy, Sobol at SWISA.
“So hinihikayat ko lahat ng mga farmers association na may mga papeles na mag-inquire para maka-avail din sila ng tulong ng National Government sa ating Department of Agriculture” dagdag ni Mayor Lopez.
Kasabay ng aktibidad ay ang pamimigay ng libreng bagong knapsack sprayer ng alkalde na magagamit ng nasa isandaang miyembro na magsasaka ng Aragaag Farmers SWISA, Inc. ng Barangay Bantog.
“Hangarin natin na yung mga farmers, magkaroon ng magagamit na sprayer na kung saan kada isang gamot meron sila paglalaanan na sprayer para hindi halo halo, kung para sa pesticide para sa pesticide, kung para sa insectide para sa insectide.” ani Mayor Lopez.
Samantala, nagbigay din ng kani-kanilang mensahe sa mga magsasaka ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Asingan.
Romel Aguilar / JC Aying