Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Mayor Lopez Personal na Nagtungo sa Pamilyang naapektuhan ng sunog

Jun
21,
2024
Comments Off on Mayor Lopez Personal na Nagtungo sa Pamilyang naapektuhan ng sunog
Personal na nagtungo si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. upang alamin ang sitwasyon ng pamilyang naapektuhan ng sunog na sumiklab sa barangay Baro kamakailan.
Sa pagbisita ng alkalde, ay nagpaabot ito ng sariling tulong pinansyal sa pamilyang nasunugan at food packs galing naman sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office.
Tiniyak naman ni Mayor Lopez Jr. sa mga mamamayan na nananatiling committed ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa pagtulong sa mga nangangailangang komunidad sa gitna ng crisis situations.
Bilang bahagi ng response efforts ng LGU Asingan, mamimigay naman ang Municipal Social Welfare and Development Office ng hiwalay na cash assistance sa apektadong pamilya.
Habang nagpaabot rin ng tulong ang magkapatid na Albert at Gilbert Estrella.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top