Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

MAYOR LOPEZ, NAGBABALA SA MGA “AROGANTENG” KABABAYANG UUWI NG ASINGAN

Jan
14,
2021
Comments Off on MAYOR LOPEZ, NAGBABALA SA MGA “AROGANTENG” KABABAYANG UUWI NG ASINGAN

MAYOR LOPEZ, NAGBABALA SA MGA “AROGANTENG” KABABAYANG UUWI NG ASINGAN NA HINDI SUSUNOD SA PATAKARAN NG IATF

“You are not welcome in our municipality”.
Ito ang pahayag ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. sa mga kababayang arogante ang asta pag-uwi ng bayan.
Sa huling pagpupulong ng Local IATF, hindi naitago ng alkalde ang kaniyang sama ng loob dahil sa mga nabalitaang diskriminasyong naranasan ng mga medical worker na nasa Triage isolation facility at Rural Health Unit sa mga umuuwing kababayan.
“Napaka arogante naman nila eh para sa safety nilang pamilya yung ginagawa natin na sinisigurado natin na bago sila papasok sa kanilang mga bahay wala silang dalang virus, magiging safe ang kanilang pamilya. Tapos sabihin pa nila na idedemanda tayo dahil wala tayo memorandum, wala tayong sinusunod na EO dito sa bayan natin. Nagpapatupad na nga eh tinitimpi ko lang ang sarili ko pero napakabastos na mga tao yun” saad ng alkalde.
Sa huling tala na inilabas ng Provincial Health Office, may labing isang aktibong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Asingan.


“Sana paigtingin din po natin sa barangay, i-remind din po natin sila. ‘Yung safety measures, the minimum safety standard kasi kung hindi po natin gagawin yun definitely talagang kakalat nang kakalat yung COVID sa bayan natin” panghihikayat ni Vice Mayor Heidee Chua.

Nagpaalala naman si MDRRM Officer at Repatriation Team head na si Dr. Jesus Cardinez, na dapat munang ayusin ng mga umuuwi ng bayan ang kanilang mga medical certificate at ibang dokumentong nakasaad na sila ay walang virus.
Si Cardinez ang reponsable sa araw-araw na pagsundo sa mga dumadating na Locally Stranded Individuals (LSI) at Returning Overseas Filipinos (ROF).
“Ang requirement namin dito sa office, ipakita muna yung valid na medical certificate bago ako mag issue ng certificate of acceptance. Now, yung certificate of acceptance, yun din ang requirement ng mga pulis bago mag bigay ng travel authority. Kailangan makita ko yung heading pa lang na government facility yun or accredited. Validity three days lang paglumampas di ko ina-allow [kaya’t] kukuha uli sila” paliwanag ni Cardinez.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top