Personal na nagtungo at binisita kahapon ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog na sumiklab nito lamang lunes ng gabi sa barangay Ariston West.
Ginawa niya ito upang alamin ang sitwasyon ng mga apektadong pamilya.
Sa pagpunta ng alkalde, ay inabot nito ang tulong pinansyal sa nasunugan at food packs galing naman sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office o MDRRMO.
Tiniyak naman ni Mayor Lopez Jr. sa mamamayan na nananatiling committed ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa pagtulong sa mga nangangailangang komunidad sa gitna ng crisis situations.
Bilang bahagi ng response efforts ng LGU Asingan, mamimigay naman ang MSWDO ng hiwalay na cash assistance sa apektadong pamilya.