“Tallo nga bulan laeng kakadwa enya” – Mayor Lopez
Mayor Carlos Lopez Jr nagbigay ng ultimatum sa paggamit ng plastic at styrofoam sa “Usapang Palengke” noong Hulyo 26 at alinsunod na rin sa utos ni Presidente Duterte na Solid Waste Management Program.
Ang utos ay nagbabawal sa mga business establishments mula sa pagbibigay sa mga kostumer ng anumang plastic bag o polystyrene foam container para paglagyan ng anumang produkto na nabili.
Pinaalalahanan ang lahat ng mga establishment na may mga options na dapat gamitin tulad ng paper bag o reusable bags, mga lalagyan na gawa sa papel na libre o ibinibenta at mga material na kung saan ay biodegradable upang may paglagyan ng mga items ang mga kostumer.
Sa “Usapang Palengke” ay nilabas din ng mga stall owners ang kanilang mga hinaing patungkol sa nararanasan sa Public Market.
Sa nasabing Open Forum ay dumalo din LGU Enterprise at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.