Kabilang sa ibinigay ni Mayor Lopez Jr. ay tatlong (3) banduria, dalawang (2) octavina, dalawang (2) Laud at isang (1) gitara.
“Yung musical instrument eh napakalaking bagay din sa mga estudyante yun, na mailabas nila yung kanilang skills sa pagtugtog. At lalong lalo na mabigyan natin sila ng pagkakataon na ma-enhance nila yung kanilang mga skills sa musical instrument.” pahayag ng alkalde.
Una ng nakapagbigay ng Doble bass o Baho de Arko si Mayor Lopez Jr. sa nasabing eskwelahan.
“Sabi ko nga this is a privilege from the local government na maibahagi din na iayos yung mga kailangan ng mga bata sa kanilang pag aaral.
This is part of their learning programs, na kung saan bukod sa pag aaral meron ding extra curricular activities for them na ma-inspire sila at lalo pang ganahang mag aral.” dagdag ni Mayor Lopez Jr.