Malapit sa puso ng mag asawang sina Asingan Mayor Carlos Lopez Jr at Mrs. Sheryl Lopez ang mga children with special needs.
Sa layong magbigay kasiyahan sa mga kabataang nasa ilalim ng Stimulation Therapeutic Activity Center (STAC) ay personal na namahagi ang alkalde at si Limgas na Pangasinan 2025 candidate Liannah Jermayne Longakit Mangosong ng iba’t ibang laruan.
Sa ngayon ay nasa 35 children with special needs ang nasa ilalim ng pangangalaga ng STAC.