Mga Maling Paniniwala tungkol sa Rabies:
Una mali ang paniniwala na ang LAHAT NG ASO AT PUSA ay may RABIES
Ang totoo ay pinanganak ang aso’t pusa na walang sakit na rabies, nagkakaroon lamang ng rabies ang aso’t pusa kapag ito’y nakagat o nalayawan ng isang hayop na mayroong rabies.
Pangalawa mali ang paniniwala na ang RABIES SA TUTA AT KUTING ay mas nakakamatay kesa sa matatandang aso’t pusa.
Ang totoo ay nakakamatay ang rabies kahit anong edad at lase o breed ng aso’t pusa
Pangatlo mali ang paniniwala na ang tandok, tambal, buhay na bato o ang PAGLALAGAY NG BAWANG sa sugat ay pangunahing panlunas sa kagat ng aso.
Ang totoo ay hindi nakakatulong ang lahat ng mga ito sa kagat ng aso o pusa, ang rabies ay MAIIWASAN sa pamamagitan lamang ng maiging paghugas ng kinagat na parte ng tao at pagpunta sa pinakamalapit na animal bite treatment center o ABTC sa inyong lugar .
Maging responsableng Amo.