Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Mala-Condo Na Murang Pabahay ng Gobyerno sa Bayan ng Asingan, Aprubado Na

Jul
21,
2023
Comments Off on Mala-Condo Na Murang Pabahay ng Gobyerno sa Bayan ng Asingan, Aprubado Na
Mala-Condo Na Murang Pabahay ng Gobyerno sa Bayan ng Asingan, Aprubado Na
Taon-taon, tumitindi ang problema sa paglobo ng populasyon sa Pilipinas at kaakibat nito ang problema sa pabahay.
Kaya naman sa pag-upo ni Presidente Bongbong Marcos Jr. nais nitong maipatupad ang pagpapatayo ng mahigit 6 na milyong pabahay sa ilalim ng kaniyang termino.
“Napakalapit po sa aking puso ang pagsisiguro na maging matagumpay ang mga human settlement at housing projects ng ating gobyerno. Isa po sa binibigyan natin ng prayoridad ang mabigyan ng solusyon ang napakatinding kakulangan ng pabahay dito sa buong Pilipinas.” pahayag ng Pangulo.
Kabilang sa magiging benepisyaryo na rin ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay ang mga residente sa Asingan, Pangasinan.
Kahapon Miyerkules, July 19 nilagdaan ang isang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng lokal na Pamahalaan ng Asingan.
“Nais po ng ating Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at ng kagawaran na ilapit ang programa ng gobyerno sa ating mga ordinaryong kababayan. Ito po yung mga walang kakayahan na maaprubahan sa bangko, walang kapasidad magbigay ng down payment. Hinanapan po solusyon ng inyo pong National Government. Ngayon po ang lahat ng minimum wage earners ay maari na pong magkaroon ng disenteng tahanan.” saad ni Bryan Villanueva, Assistant Secretary ng DHSUD.
Balak simulan ang konstruksyon ngayong 2023, na binubuo ng sampung (10) five-story building at may mahigit na 500 housing units para sa kwalipikadong mga benipesaryo.
“Ako po ay natutuwa kasi nakapaganda po ng alok nila condo unit na maayos po yung mga materyales na gagamitin ay napakatibay at first class po yung amenities na ilalagay. May swimming pool, may playground, may garden at iba pa na meron doon sa mga private na mga resort. ” ani ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Ayon sa alkalde taong 2019 ng bumili ang lokal na pamahalaan ng Asingan ng apat (4) na hektarya na pagtatayuan ng pabahay noon na unang inilapit sa National Housing Authority (NHA).
Bagama’t may mga naging mga problema noon gaya ng pandemya ay matutuloy na rin ngayon dahil sa pag apruba ng proyektong ito.
“Inaayayahan ko lahat ng mga kababayan natin na gustong i-avail itong napakagandang programa ng ating gobyerno na murang pabahay na siguradong disenteng pabahay para sa kanila.” dagdag ng alkalde.
Pinasalamatan din ni Mayor Lopez Jr. sina Congresswoman Marlyn “Len” Primicias-Agabas, DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, DHSUD Regional Director Ricky Ziga at ang Sangguniang Bayan ng Asingan na pinapangunahan ni Vice Mayor Heidee Chua sa naging ambag upang matuloy ang konstruksiyon na ito.
Dumalo din sa nasabing okasyon ang ilan sa miyembro ng Local Housing Board na sina Perry Tendero ang Municipal Senior Administrative Assistant III at Local Disaster Risk Reduction and Management Officer na si Dr. Jesus Cardinez.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top