default
Mahigit sampung taon ng kalbaryo ng nasa dalawandaang (200) magsasaka na miyembro ng Grain Acres Farmers Association ang tubig na naiipon sa kanilang palayan dahil sa kawalan ng maayos na daluyan ng tubig papalabas sa kanilang sakahan.
“Problema namin lalo na kung tag ulan hindi nabubuhay ang pananim namin dahil ang tubig andun hindi makatakbo. Yung mga excess water na nanggagaling na dito sa mga taniman doon na naiipon, kaya dapat yung tubig fully drain” ani ni Cesario Escarlos, presidente ng grupo.
Idinulog niya ang problemang ito kay Domanpot Punong Barangay Gilbert Piso na ipinarating din naman kay Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
“Tinawagan ko kaagad si Gobernador [Guico III] and immediately nandyan na kaagad isang araw lang, nandyan na kaagad yung request natin ganun kabilis ang serbisyo ni Gob.” pahayag ng alkalde.
Dagdag ni Mayor Lopez Jr. pagkaupo pa lang niya bilang alkalde ng bayan ng Asingan ay inayos na niya ang problemang ito, ngunit dahil na rin sa dami ng basura na naipon mabilis na napupuno ang mga canal.