Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Mahigit P12M Inisyal na Halaga ng Pinsalang Iniwan ni Bagyong Pepito Sa Agricultura sa Asingan

Nov
19,
2024
Comments Off on Mahigit P12M Inisyal na Halaga ng Pinsalang Iniwan ni Bagyong Pepito Sa Agricultura sa Asingan
Mahigit P12M Inisyal na Halaga ng Pinsalang Iniwan ni Bagyong Pepito Sa Agricultura sa Asingan
Hindi na napigilang maging emosyonal ng magsasakang si Richard Gabatin ng makita ang pananim niyang palay na hindi na halos mapapakinabangan.
Ani ni Gabatin nakatakda na sanang anihin sa unang linggo ng Disyembre ang mga palay mula sa mahigit isang hektarya niyan sinasaka kung di sana napinsala ng bagyong Pepito.
“Medyo masama din ang loob namin kasi ilang buwan namin na pinaghirapan na isinasikaso tapos dinali lang ni Pepito. Talagang ganyan, eh di pag may maani yun muna una pagbayad sa mga nahiram natin na pera. Babawi na lang kung makakabawi, ganyan talaga ng buhay ng mga farmers parang sugal.” paglalahad ni Gabatin.
Sa ulat ng Municipal Agriculture Office (MAO) ay pumalo na sa P12.4 million ang inisyal na halaga ng iniwanang pinsala sa sektor ng agrikultura sa pananalasa ng nagdaang bagyong Pepito.
“Kung titignan po natin malaking losses po ito sa ating mga magsasaka dito sa Asingan. Ganun din po sa ibang commodity, lalong lalo na sa rin corn maraming nasira. Although wala pa po kaming exact na area saka number of farmers na apektuhan malaki rin po ang losses nila.” ayon kay Emri Castillo, Municipal Rice Report Officer ng bayan ng Asingan.
Dagdag pa ni Castillo ay nasa dalawandaang ektarya ng mga palayan ang naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Pepito sa Asingan.
(Mel Aguilar, JC Aying / Asingan PIO)

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top