Ngayong araw personal na kinamusta ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. ang isandaan at isa (101) na mga kabataan na napabilang sa Government Internship Program o GIP ng Department of Labor and Employment (DOLE) Rosales Eastern Pangasinan.
Ang internship program ng DOLE ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga nakatapos ng high school, technical-vocational na kurso o kolehiyo na makapag- trabaho.
Tiniyak ng Alkalde na ang programa ay makakatulong sa mga kabataan para sa kanilang work experience upang makahanap ng trabaho sa mga departamento ng gobyerno o sa mga pribadong opisina.
Pinasalamatan naman ni Mayor Lopez Jr. ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Bienvenido Laguesma sa patuloy na pagbibigay ng mga programa para sa mga mamamayan ng Asingan gaya ng Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), Special Program for Employment Of Students (SPES) at iba pa