Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Mahigit 7K Alagang Aso’t Pusa, Natulungan ng Libreng Serbisyong Medikal

May
8,
2024
Comments Off on Mahigit 7K Alagang Aso’t Pusa, Natulungan ng Libreng Serbisyong Medikal
Mahigit 7K Alagang Aso’t Pusa, Natulungan ng Libreng  Serbisyong Medikal Mula sa Provincial Veterinary Office
Umabot sa kabuoang limangdaan at pitumpu’t isang (571) mga alagang aso’t pusa ang nakinabang sa libreng serbisyong medikal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pangunguna ni Governor Ramon “Mon Mon” Guico III sa pamamagitan ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVet) at ang lokal na pamahalaan ng Asingan katuwang ang Municipal Agriculture Office (MAO).
“Gusto natin iparating ang mga dekalidad na serbisyo para sa ating mga kababayan na may passion sa pag- alaga ng mga hayop. At pangalawa na aming intensyon is para maging ang ating mga nag-aalaga ay tumaas yung kanilang kaalaman sa pagiging responsableng amo pagdating sa pag aalaga ng ganitong mga pets.” ani ni Arcelyn Robeniol, Officer-in-Charge ng Provincial Veterinarian.
Nakatanggap ang mga paw at fur parents ng libreng konsultasyon, deworming (pagpupurga), anti-rabies vaccination, vitamin supplementation, castration, spaying at information and education campaign para sa kanilang alagang hayop.
Dagdag pa ni Robeniol, sa pinakahuling datos ay umabot na sa mahigit pitong libong (7,000) mga aso’t pusa ang naserbisyuhan na ng SERBISYONG ANG GALING (Veterinary Medical Mission) simula nitong Enero.
Sa Mayo a-adiyes ay tutungo naman ang Provincial Veterinary Office sa bayan ng Natividad sa pagpapatuloy ng libreng serbisyong medikal para sa pets.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top