Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Mahigit 600 Super Health Center Target Na Mapatayo ni Sen. Bong GO sa kanyang Termino

Mar
4,
2024
Comments Off on Mahigit 600 Super Health Center Target Na Mapatayo ni Sen. Bong GO sa kanyang Termino
Mahigit 600 Super Health Center Target Na Mapatayo ni Sen. Bong GO sa kanyang Termino; Sen. Go, Patuloy sa Pangunguna sa Senatorial Survey Para sa 2025 Midterm Election
Nasa animnaraan na “Super Health Center” kabilang na dito ang dalawampu’t isang pasilidad sa lalawigan ng Pangasinan ang target na maipatayo ng opisina ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong ‘ Go sa kanyan termino.
Ayon kay Senador Go, makikita sa loob ng mga super health center ang mga serbisyong medikal gaya ng laboratory, X-ray, ultrasound, out-patient, birthing at marami pang iba.
“Ito namang Super Health Center, iba po ito. Isinulong ko noong 2021. Dahil sa kakaikot ko po sa buong Pilipinas, napansin ko sa malalayong lugar, liblib na lugar wala pong sariling health facility. Yung mga buntis nanganganak sa tricycle at sa jeepney, ngayon po with Super Health Center ay pwede na po diyan ang panganganak, yung mga minor cases. Kinaganda nito madedecongest yung mga hospital dahil dyan na po sila mapapa-check up.” ani ni Senador Bong Go.
Layon ni Go na mas mapalakas pa ang ating healthcare system at maihatid ang de-kalidad na serbisyong medikal lalo na sa mga mahihirap na Pilipino.
Samantala, patuloy naman ang pangunguna ni Senator Christopher “Bong” Go sa isang survey para sa mga kakandidato sa pagka-senador sa 2025 midterm election.
“Pagkatapos kong maiproklama hindi na po ako tumigil sa pagbibigay ng serbisyo dahil yan po ang aking sinumpaang tungkulin sa ating mga kababayan. Kahit saang sulok kayo ng Pilipinas basta’t kaya po ng aking katawan at panahon pupuntahan ko po kayo para makatulong , makabigay ng mga proyekto, makatulong sa mga pasyente at makapg iwan po ng kaunting kasiyahan sa panahon ng pagdadalamhati ng mga kababayan natin. 24/7 po akong magtratrabaho dahil ang bisyo ko po, magserbisyo sa mga kababayan natin.” dagdag ng senador.
Pinasalamatan ng Senador ang mamamayang Pilipino sa kanilang patuloy na pagtitiwala at suporta sa kanyang panununugkulan.
“Maraming salamat po sa inyong tiwala sa akin, wala pong masasayang na panahon at patuloy po akong magseserbisyo sa inyo. Sa mataas na survey nakakataba ng puso, nakakawala ng pagod tuwing nakikitang mong napapansin ng mga kababayan natin na nagtratrabaho ka. Yun naman po ang importante rito, nakikita ng mga kababayan natin that you perform and that you do your job bilang inyong senador. ” pahayag n Go.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top