Mahigit 33 Milyong Piso, Halagang Naitulong na ng TUPAD Programng DOLE Eastern Pangasinan sa higit 7,500 Individual
Umabot sa siyam na raan at siyamnapu’t walong (998) indibidwal ang nakatanggap ng cash assistance mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Eastern Pangasinan sa pinakahuling pay out ng programang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers sa bayan ng Asingan.
Kabilang sila sa mahigit pitong libo at limandaan(7,500) indibidwal na nakinabang na sa mahigit tatlumpu’t tatlong milyon pisong (P33M) tulong pinansyal sa ilalim ng programa ng DOLE Eastern Pangasinan mula sa ika-lima at ika-anim na distrito ng lalawigan.
Ang bawat benipersaryo ng cash-for-work assistance mula sa iba’t-ibang barangay ay nagtrabaho sa loob ng sampung araw kapalit ng P435.00 na arawang sahod o katumbas ng P4,350.00.
Lubos naman ang naging pasasalamat ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa patuloy na pagsuporta ng ahensya sa nangangailagang mga kababayan.
“Nagpapasalamat ako ng taos puso sa ating mahal na Secretary Bienvenido Laguesma sa kanyang agarang aksyon sa atin pong kahilingan na magkaroon po ng TUPAD dito po sa ating bayan para po sa mga nawalan ng trabaho at yung mga nangangailangan ng trabaho” pahayag ng alkalde.