MAGKAPATID NA DRUG SURRENDEREE SA ASINGAN, KASAMA SA MGA NAGTAPOS NG BASIC HANDYMAN TRAINING NG PANGASINAN GOV’T
Nasa 20 na residente ng Asingan kabilang ang magkapatid na drug surrenderee na sina “Big Bert” at “Little John” ang nagsitapos sa Isinagawang basic handyman training na hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.
“Malaking bagay at marami kaming natutunan dito… yung mga ibang hindi namin alam gawin, magagawa na namin ngayon.” ani Big Bert.
“Maganda ito para sa ating mga surrenderee… makakatulong po ito ng malaki sa kanilang mga sarili pati na rin sa kanilang pamilya. that is why i’m encouraging all drug surrenderee hindi lang po dito sa Asingan kundi maging sa ibang munisipyo na sana po pag may ganitong mga programa ng Provincial o di kaya ng LGU, ay makiisa at sumali para matuto.” pahayag ni Police Major Resty Ventinilla, hepe ng Asingan PNP.
Ang libreng training na ito ay bahagi ng Abig Pangasinan recovery program ni Governor Amado ” Pogi” Espino III upang matulungan ang mga kababayan na magkaroon ng karagdagang kaalaman para sa paghahanapbuhay sa gitna ng pandemya.
“Ito ay tinatawag na basic handyman training which involves pitong skills in a short period of time… bale two days na online saka three days na na actual. Kasama po ditong pinag-aralan nila ay ang basic na carpentry, masonry, tile setting, plumbing, electrical saka house painting. Ito yung mga skills na naisipan ng mga nag organize nito na makatulong hindi lang sa pagrepair ng loob ng bahay kundi pwede din gamitin din sa hanapbuhay” kwento ni Joel Gerardo, Team Leader ng Basic Handyman Training Program.
Ang Handyman Training na bahagi rin ng Mobile Skills Training Project (MSTP) ay napaglikuran na rin ang mga residente ng Lingayen, Bautista, AT Pozorubbio. Susunod ito na magpupunta sa Infanta at Sual.
Dumalo sa graduation ceremony sina Board Member Noel Bince, Board Member Salvador Perez, Jr., Mayor Carlos Lopez, Jr., Vice Mayor Heidee Chua, TESDA Director Jimmicio Daoaten, Asingan PESO Manager Rizalina Aying at TESDA-LMMSAT Asingan Jess Salagubang.
Romel Aguilar / JC Aying
Kung mayroon kang kwento, larawan o video na nais mong ibahagi, i-send as private message sa facebook page ng PIO Asingan