Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

“Live-in partner” di maaaring maging beneficiary ng Philhealth

Aug
23,
2019
Comments Off on “Live-in partner” di maaaring maging beneficiary ng Philhealth

“Live-in partner” di maaaring maging beneficiary ng Philhealth.
Pag uupdate ng mga beneficiary ng mga miyembro huwag baliwalain.

Muling pinaalala ng PHilhealth Urdaneta branch sa kanilang “Information and Education Campaign sa mga 4ps at iba pang mga indigent ng Barangay Poblacion East at West na dapat mapaiupdate ng isang miyembro ang kanyang mga “beneficiary”.

Ayon sa naging karanasan ng PhilHealth, nagkakaproblema ang isang miyembro lalo na kung ang isang pasyente na dinala sa hospital ay wala naman sa listahan ng kanyang beneficiary.

Sa open forum naman sinabi na tanging ang legal na asawa lamang ang maaaring ideklarang dependent bukod sa mga anak na ang edad ay wala pang 21.

Puede naman ideklara ang isang anak na kahit hindi pa kasal basta magsumite lamang ng PMRF kung saan nakasulat ang pangalan ng bata bilang dependent at ilakip ang sipi ng kanyang birth certificate bilang patunay na ito ay kanyang anak.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top