Lingkod Pag-ibig on Wheels umarangkada na; Pag-Ibig Fund Eastern pagnasinan may mahigit 46,000 miyembro na mula sa ika-lima at ika-anim na distrito
Nasa isandaan at siyamnapu’t dalawang (192) indibidual na pawang mga empleyado ng munisipyo, tricycle drivers at mga market vendor ang napagsilbihan sa pagbisita ng Lingkod Pag-IBIG On Wheels sa bayan ng Asingan.
Sa pamamagitan ng programang ito ay maaring magpasa ng aplikasyon para sa Multi-Purpose Loan (MPL) o Provident Benefits Claim, sumadya upang magtanong tungkol sa savings o records sa Pag-IBIG Fund, magparehistro bilang bagong miyembro at alamin ang iba’t ibang benepisyong hatid ng Pag-IBIG Fund.
Sa kasalukuyan ay nasa 46,500 ang aktibong miyembro ng ahensiya ay mula sa ika-lima at ika-anim na distrito ng lalawigan ng Pangasinan ayon kay Aileen Calpotura, Supervising Member Services Officer ng Pag Ibig Fund Urdaneta.
Ang Lingkod Pag-IBIG On Wheels ay aarangkada naman sa bayan ng Laoac bukas, April 30.
Personal na binisita ang nasabing programa ng Branch Head ng Pag-IBIG Urdaneta na si Lorenzo Ocampo.