LIBRENG TRAINING PROGRAM PARA SA MGA DISTRESSED OFW AT DISPLACED WORKERS, MULING BINUKSAN NG TESDA ASINGAN
Muling aarangkada ngayong Mayo ang pagbibigay ng LIBRE NA skills training courses sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na napilitang umuwi ng Pilipinas matapos mawalan ng trabaho sa ibang bansa dahil sa COVID-19 pandemic o dahil sa iba pang kadahilanan.
“Kahapon (April 22), ang ating Provincial Director ay mineeting lahat ng mga school administrators both private and goverment schools ng TESDA regarding doon sa implementation ng Bayanihan 2 wherein this is supposedly implemented pa noong 2020. Binigyan po tayo ng mga slots for the implementation of training kasi ito din yung Training for Work Scholarship Program (TWSP) na ang priority natin na beneficiaries AY yung mga OFWS saka mga displaced workers.” pahayag ni Jess Salagubang, Vocational School Administrator III ng TESDA LMMSAT (Luciano Millan Memorial School of Arts and Trade).
Sa nasabing institute inaalok ang mga libreng high-tech skills training gaya ng Bread and Pastry, Contact Tracing, Driving, Construction Painting at marami pang iba.
“Kung interesado po kayong mag-aral para magkaroon ng sapat na kakayanan o magkakaroon ulit ng panibagong hanapbuhay, kayo po ay inaanyayahan po namin na pumunta sa aming school para mag enroll ito po ay libreng training. Meron pa po kayong mga allowance gaya ng Training Report Fund, Internet allowance , Health Protection Equipment allowance at iba pang financial benefits.” dagdag ni Salagubang.
Para sa mga interesadong aplikante, maaaring magtungo sa kanilang opisina na matatagpuan sa TESDA LMMSAT Barangay Poblacion West, Bayan ng Asingan. Magdala lamang ng kopya ng Birth Certificate. Bukas ito sa mga edad 18 anyos pataas at nakapagtapos ng high school.
Para sa iba pang katanungan ay tumawag sa 0910-0913-008 o (075) 523-5284.
Romel Aguilar / JC Aying