LGU Asingan, Pasado sa 2024 Child-Friendly Local Governance Audit
Congatulations, Asinganian!
Muling napabilang ang bayan ng Asingan sa “iilang” mga Local Governement Unit (LGU) na pumasa sa 2024 Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) sa lalawigan ng Pangasinan.
Ang tagumpay na ito ay patunay ng dedikasyon ng lokal na pamahalaan ng Asingan sa pagsusulong ng child-friendly policies, programs, at serbisyo na tumutugon sa mga pangunahing karapatan ng mga bata, kabilang ang survival, development, protection, participation, at governance.
Ayon sa DILG, mahalaga ang CFLGA dahil dito sinusuri ang kakayahan ng isang LGU sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga kabataan.
Hinikayat din ng ahensya ang iba pang LGUs na magsilbing inspirasyon ang tagumpay na ito upang lalong maisulong ang isang ligtas at makabuluhang kapaligiran para sa bawat bata sa kanilang nasasakupan.