Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

LGU ASINGAN NAGLAAN NG DALAWAMPUNG PIRASO NG WHEELCHAIR PARA SA MGA BENEPISARYO

Jul
23,
2021
Comments Off on LGU ASINGAN NAGLAAN NG DALAWAMPUNG PIRASO NG WHEELCHAIR PARA SA MGA BENEPISARYO


PAG IBIG SA KABILA NG KAPANSANAN; LGU ASINGAN NAGLAAN NG DALAWAMPUNG PIRASO NG WHEELCHAIR PARA SA MGA BENEPISARYO
Ang dalawang taong nagmamahalan kaya daw lagpasan ano mang klase ng pagsubok na dadaanan, pinatunayan yan ng kwento ng pag ibig ni tatay Teodoro Diego kay nanay Milagrosa sa apat na dekadang nilang pagsasama na hindi nagpadaig kahit pa sa kapansanan.
“Kung pupuwede lang ibigay ko sa kanya yung mga paa ko para makalakad siya eh ibibigay ko, ganun ko siya kamahal. Gusto ko siyang makalakad kaya lang wala na yatang pag asa.” kwento ni Tatay Teodoro.
High School student noon si Nanay Milagrosa nang aksidenteng mahulog mula sa hagdanan ng pinapasukang paaralan.
Taong 2019 , pinalala ng sakit na Phenomonia at Diabetes ang kanyang kondisyon hanggang sa tuluyan nang di makalakad.
“Ako ang nagpapaligo sa kanya araw araw, sa umaga ini-exercise ko ang mga kamay niya simula noong lumabas na siya ng ospital. Mahirap po kasi di siya makagalaw di siya hindi siya makapagprepare ng anomang kailangan niya kahit pagkain ako na ang nagpreprepare sa kanya.” ani ni Tatay Teodoro.
Ayon kay Tatay Teodoro, malaking porsyento ng kanyang inipon mula sa tatlumpong taong pagtatrabaho sa bansang Kuwait ay nagamit na pampagamot kay Nanay Milagrosa.
Kabilang si nanay Milagros sa dalawampung benepisyaryo na nabibiyayaan ng libreng¬ wheelchair mula sa lokal na pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr. kasama si Vice Mayor Heidee Chua at miyembro ng Sangguniang Bayan sa tulong na rin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
“Ito po yung pinakaminimithi ko na makahingi din tayo sa PCSO, so una sa lahat nagpapasalamat ako sa kaibigan natin na si Mr. Adonis Mamalio dahil sa kanyang pagtulong sa ating bayan. Sa pamamagitan din po ng opisina ng PCSO si Madam Royina Garma at ganun din sa ating empleyado na si Mr. Erwin Reynaldo na siyang naglapit sa akin kay sir Mamalio.” ani ni Mayor Lopez Jr.
Ayon sa Alkalde ay may isandaan pang mga residente ang nag aantay na mabigyan ng libreng wheelchair mula sa munisipyo.
“Ito’y malaking tulong kita naman ninyo madami talagang nangangailangan sa ating bayan ng wheelchair, so hindi lang po ito ang una kundi susubok po uli tayo sa susunod na ilang buwan para makapagrequest tayo uli ng another 20 or 50 na wheelchair. Kung sakaling hindi mabibigyan lahat yan siguro by January at may available na akong pondo sa public affairs fund ko, hopefully makapaglaan din ako ng pondo para sa wheelchair program.” dagdag ng alkalde.
“Dahil ito ay bigay ng ating bayan galing po yan sa PCSO so ingatan, ingatan yung mga gamit na naibigay kasi pwede pa yang ipasa kung hindi na nila kailangan at sana maging daan din ito para mabuo nila yung self confidence again and of course para convenience para sa mga nag aalaga.” pahayag ni Vice Mayor Heidee Chua.
Ang pamamahagi ng libreng wheelchair ay kaalinsabay ng pagdiriwang sa 43th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week mula July 17, 2021 hanggang July 23, 2021.
Base sa Pilipinas Wheelchair Foundation, tinatayang nasa halos 5.8 Milyong pilipino ang may kapansanan na nangangailangan ng wheelchair.
Ang 800,000 ng mga Pilipinong ito ay hindi kayang kumuha ng kanilang sariling wheelchair dahil sa kawalan ng perang pambili at limitadong donasyon mula sa iba`t ibang mga bansa at internasyonal na organisasyon.
Romel Aguilar / photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top