Pinarangalan ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 1 ang mga lokal government units na nakapasok sa National Ranking ng Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI).
Ang Competitiveness Index ang ibinibigay sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang antas ng pagpapatupad sa economic activity ng kani-kanilang nasasakupan.
“Ang layon nitong CMCI ay upang makita natin kung gaano ka-competitive yung bawat munisipyo, ma-measure natin yung kanilang kakayahan in terms of government efficiency, in terms of infrastructure, in terms of resilience on how they response doon sa kalamidad and in terms of innovations so yun po sinusukat natin yung kakayayahan ng mga LGUs natin.” ani ni Natalia Dalaten, Provincial Director ng DTI Pangasinan.
Kabilang sa pinarangalan sa kategoryang “Government Efficiency” ay ang LGU Asingan na puma-labing siyam (19th) sa mga bayan sa Pilipinas sa ilalim ng 1st-2nd class municipalities dahil sa de-kalidad na serbisyo sa mga residente nito.
“Ibig sabihin maganda yung mapapamalakad ng operasyon ng local government unit at isa doon sa pinaka-highlight is hindi corrupt.” dagdag ni Provincial Director Dalaten.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Carlos Lopez Jr. sa ahensya sa pangunguna ni Regional Director Grace Falgui-Baluyan dahil sa karangalang iginawad para sa bayan ng Asingan.
“Naipapakita diyan na yung magandang leadership ng administration at yung maayos na pakikisama sa ating mga kababayan. Kaya yan ang nagiging resulta yung nagiging transparent tayo sa lahat ng mga bagay. Gayun din yung ease of doing business kasi talaga na-aachieve natin yun sa one stop shop natin. Na hindi tumatagal ang pagkuha ng business permit mapa- local o kaya mga malalaking establishment saglit lang nila kinuha, because we streamline and hindi tayo talaga nang aabala sa mga negosyante.” paliwanag ng alkalde.
Kabilang din sa pinasalamatan ni Mayor Lopez Jr. ang mga kawani ng munisipyo.
“Actually not expected yan na nasali tayo, kasi dati-dati nasa 100 plus [ranking] tayo. And very fortunately because of the effort of the employees headed by Engineer M. Laroya, miss Myla De Guzman and our Municipal Treasurer mam Imelda Sison, we bag the 19th place. Pero isang malaking hamon ito kasi hindi dapat hindi lang yung nasa 19th place dapat nasa top ten na tayo for the next year.” dagdag ni Mayor Lopez Jr.