LGU ASingan, Binigyan ng Parangal Sa 8th Ecological Solid Waste Management Summit
Pinarangalan ng Department of Environment and Natural Resources- Environmental Management Bureau (DENR-EMB) Regional Office I ang lokal na pamahalaan ng Asingan dahil sa kahusayan sa pagtatrabaho para maisulong ang mga programang nagtataguyod ng kalinisan at pangangalaga sa kalikasan.
Tatlong parangal ang iginawad sa LGU Asingan na kinabibilangan ng Waste-to-Resource Excellene Award, Solid Waste Enforcement Excellence Award at Green Governance Excellence Award.
Iginawad ang mga parangal na ito sa isinagawang 8th Ecological Solid Waste Management Summit na ginanap naman sa Fort Ilocandia Resort Hotel, Laoag City,Ilocos Norte kahapon January 24 , Miyerkules.
Ginawaran din ng Green Governance Excellence Award ang barangay Ariston East.