Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

LGU Asingan at Special Rescue Unit Pangasinan sanib pwersa

Apr
6,
2020
Comments Off on LGU Asingan at Special Rescue Unit Pangasinan sanib pwersa

LGU Asingan at Special Rescue Unit Pangasinan sanib pwersa sa pagdisinfect sa bahay ng biktima ng Covid 19;
Resulta ng isinagawang pangalawang swab test sa biktima malalaman na ngayong linggo;
Itigil ang diskriminasyon! Panawagan ni Capt. Dollente ng Barangay Coldit sa taong bayan.
Pinangunahan ng LGU Asingan kasama ang Special Rescue Unit Pangasinan sa pagdidisinfect at clorination ng buong bahay ng biktima ng Covid 19 nitong lunes ng hapon. “Para makatulong naman tayo sa kanila pinapasok naming yung area kagaya nito yung loob ng bahay to conduct the disinfection process and then after that paglabas ng mga personnel sila naman ang denedecon para maensure natin na lahat ng virus na yan hindi kumapit sa kanila” ayon kay City Fire Marshal-BFP Dagupan City Fire Chief Inspector Bryan Pocyao na nagmando sa labing isang kataong miyembro ng Special Rescue Unit.
Samantala nagpasalamat naman ang pamilya ng biktima sa sinagawang pagdisenfect sa kanilang tahanan. Sa isang pambhirang pagkakataon ay nagpaunlak sa isang interview ang asawa ng biktima, ayon sa kanya isang malaking pagsubok at dagok ito sa kanilang pamilya. “Pakiusap ko sa ating mga kababayan, hindi naman natin kagustuhan itong karamdaman pero malalagpasan natin ito sa awa ng Dios basta magdasal lang tayo”. Ngayong linggo naman lalabas ang resulta ng swab test ng biktima ayon kay Sanitary Inspector Sharon Villacarlos Manghi.
“Ang pinapakiusap ko lang sa mga kababayan ko huwag naman niyo i-discriminate ang mga taga Coldit! kasi nababalitaan namin dito sa barangay na pagnalaman na sila ay taga Coldit ay nilalayuan na nila which is nakakasakit naman ng kalooban namin, wala po kaming sakit!” emosyonal na mensahe ni Punong Barangay Leticia Ramos Dollente na nasa pang sampung araw na ng quarantine kasama ang ibang opisyales ng barangay.
Ang operasyon ay pinamunuan ni Doc. Jesus Cardinez ang head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), kasama din sina Loreto Bernardino at Asingan Pangasinan Bfp RegionOne, Sharon Villacarlos Manghi ng RHU Asingan.
Maraming salamat din sa pagtulong Mayor Carlos Lopez Jr, Vice Mayor Heidee Chua, Sangguniang Bayan Asingan members, Asingan PNP, Mrs. Imelda Sison ng Treasurers office, RHU at sa iba na mga tumulong na hindi na natin mabanggit ang mga pangalan mabuhay po kayo! Arya Asenso Asingan!
JC Aying Akosi MarsRavelos

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top