LGU Asingan at Iba’t-ibang Organisasyon, Snib-Pwersa sa Pagtatanim ng Seedlings
Bilang paggunita sa Arbor Day ngayong araw, nagsagawa ng tree-planting activity ang lokal na pamahalaan ng Asingan kasama ang iba’t ibang organisasyon sa paanan ng dike ng Agno River.
Lagpas 500 indibidwal ang sabay-sabay na nagtanim kasoy, narra at bimbo sa isang ektaryang lupa malapit sa Material Recovery Facility ng munisipyo.
Umaasa si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. na sa munting paraan ay uusbong ang pag-asa para sa mas luntiang kinabukasan.
“Ang ginagawa natin is to protect our environment as well to protect also our dike, tagal-tagal na natin hinintay ito na magkaroon tayo ng protection lalo sa baha at sa anomang kalamidad,” pahayag ng alkalde.
Ayon pa kay Mayor Lopez Jr., ito ay bahagi bilang paghahanda para sa gagawing Eco Park na magiging dagdag atraksyon sa bayan.
Nakatakda sa susunod na taon ang pagsesemento ng kalsada sa Sitio Cabaruan.