Labing isang kababayan na nasa border, negatibo sa isinagawang COVID-19 testing
Negatibo ang nasa labing isang mga kababayan mula sa Asingan na sumailalim sa sinagawang Rapid Antibody-Based Testing noong Miyerkules ng Rural Health Unit of Asingan sa Tarlac – Pangasinan border sa Barangay Carmen Bayan ng Rosales.
Sa ngayon ay may kabuoang dalawampu’t lima (25) na ang dumaan sa Rapid Test na lahat naman ay nag negatibo.
Ngayon araw naman balak gawin ng Pangasinan Health Office ang pagsasagawa ng swab test sa lahat ng nasa border.