KUMPLETONG BAKUNA, GAMOT SA POLIO AYON SA RHU ASINGAN.
Edad apat na taong gulang ng malaman na mayroong sakit na polio ang animnapu’t anim taong gulang na si Francisco Sanchez.
Sa kanyang paglaki ay hinamak dahil sa pagkakaroon ng kapansanan. Ngunit hindi naging hadlang ito kundi naging hamon at inspirasyon para kay tatay Francisco ang mga paghuhusga sa kanyang kapansansan, upang patunayan na mayroon siyang magagawa para sa ikakaunlad ng kanyang buhay.
Nagtapos siya sa iba’t ibang vocational o teknikal courses tulad ng tailoring, candle making at food processing. Sa ngayon ay nagtratrabaho siya sa Sheltered Workshop ng Asingan at kumikita mula sa P150 hanggang P300 kada araw.
Muli naman pinaalalahan ng RHU Asingan ang mga magulang na dapat dalhin ang kanilang mga anak edad lima pababa sa kanilang Barangay Health Center o RHU upang mabigyan ng “kompletong LIBRENG BAKUNA” ng anti polio (4 ba beses).
Ito ay bilang tugon sa pagbabalik ng polio sa bansa makalipas ang halos 2 dekada, bukod sa pagpapabakuna, pinayuhan ang mga magulang na turuan ng proper hygiene ang mga bata para makaiwas sa sakit.