Konstruksyon ng dalawang kilometro na irrigation canal mula Barangay Sobol papuntang Barangay Calepaan, sinimulan na
Nasa limanpung (50) hektarya ng taniman ng lupa ang makikinabang sa oras na matapos ang dalawang kilometro na irrigation canal na ginagawa ng lokal na pamahaalan ng Asingan sa pamumuno ni lodi Mayor Carlos Lopez Jr.
“Ito ay request ng mga farmers sa pamamagitan ni Punong Barangay Soberano na gagawa tayo ng irrigation canal para yung mga mabababa yung kanilang sinasaka during rainy season eh may pagkakataon ng masaka yung kanilang mga lupa” ayon kay Mayor Lopez.
Sinabi naman ni National Irrigation Administration Pangasinan Project Manager Engr. Dennis de Vera na bubuksan ng NIA ang patubig sa mga irigasyon sa unang araw ng Hunyo.