Konstruksyon ng Barangay Toboy DayCare Center, naumpisahan na
Ininspeksyon kamakalawa ni lodi Mayor Carlos Lopez Jr
ang ginagawang Child Development Center o mas kilala sa tawag na DayCare Center sa Barangay Toboy.
“Pinalitan natin yung Day Care Center ng Toboy bago sana magkaroon ng face to face class tapos na yung building natin. Naka tiles siya naka-aircon, dapat matapos ito bago mag October kasi yun ang aim natin” saad ni Mayor Lopez.
Isa umano ito sa mga prioridad na hiniling kay Mayor Lopez Jr. na maging proyekto sa Toboy ni Punong Barangay Frederick Guerrero na agad naman sinang-ayunan ng alkade.
“Nirequest namin yan nung nakaupo si Mayor dahil nakita kasi namin na masikip na doon, naiinitan mga bata. Saka nakita namin na maraming nag eenroll na bata, saka isa pa mas safe dito, doon tabing highway” pahayag ni Guerrero.
Sa ngayon may animnapu’t anim na estudyante ang Day Care Center na may dalawang batches.
“Ang akala ko kasi since nagkaroon tayo ng krisis hindi na matutuloy yung construction ng day care. Since naumpisahan na, nagulat nga ako naumpisahan na very thankful talaga ako kay Mayor kasi kahit paano kahit ganito yung sitwasyon natin naituloy pa rin niya yung project niya. Syempre hindi lang ako yung masaya lahat na rin yung incoming na mga bata na mag eenroll sa day care center.” natin kwento ni Analiza Aguñas
, Day Care Worker ng Toboy.
Writer Akosi MarsRavelos
Photo JC Aying