KONSTRUKSYON NG BAGONG PUBLIC AUDITORIUM SA BAYAN NG ASINGAN, SINIMULAN NA
Personal na binisita at ininspeksyon ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang isinasagawang konstruksyon ng Phase 1 ng bagong Public Auditorium sa bayan ng Asingan.
“Ito inumpisahan na yung construction ng ating municipal auditorium kamakailan lang po ay inaprubahan ng Sangguniang Bayan yung resolution, authorizing the construction of the new auditorium kaya yun inumpisahan na rin po nila” ayon sa alkalde.
Nagkakahalaga ang nasabing istraktura ng P35 milyon pesos mula sa orihinal nitong presyo na P50 milyon pesos.
“Kasi ito first phase pa lang siya wala pa yung covered court, yung basketball court niya yun yung medyo magastos kasi syempre yung magandang court na ang ilalagay natin diyan as per sa ating butihing Congressman Condrad Estrella ng Abono Partylist.” dagdag ni Mayor Lopez Jr.
Nakapaloob sa Phase 1 ang konstruksyon ng bakod, frontage at bubong at nakatakdang matapos sa loob ng apat na buwan.
Romel Aguilar / photo JC Aying