Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Kauna-unahang ordinansa sa Pangasinan ipapatupad na!

Jan
27,
2020
Comments Off on Kauna-unahang ordinansa sa Pangasinan ipapatupad na!

Kauna-unahang ordinansa sa Pangasinan ipapatupad na!, ‘Mga sasakyang bumibiyahe sa gabi na walang sapat na ilaw o kaya naman ay sobrang mailaw huhulihin na!

Mga menor de edad na nagmamaneho aprub na rin sa kapitolyo para hulihin; mga konsintidor na mga magulang pwede na rin kasuhan!

Inaprubahan na ang ordinansa ngayong araw sa Sangguniang Panlalawigan at ganap ng isang batas ang panukala ng Sangguniang Bayan ng Asingan sa pangunguna ni Vice Mayor Heidee Chua na nagbabawal sa mga kakalsadahan ng Asingan ang mga sasakyan na kulang sa mga ilaw kagaya ng head light at tail light MULA ALAS SAIS NG GABI HANGGANG ALAS SAIS NG UMAGA.

Kasama na rin sa ordinansa ang mga kuliglig, harvester pati ang bisiklita na dapat lagyan ng ilaw o reflectorized device/stickers. Ang penalty sa mahuhuli ay aabot hanggang P2,500 o pagkakulong ng isang buwan.

Samantala, MAARI na rin pagmultahin hanggang P1,500 o di naman kaya ay makulong ang mga magulang ng di bababa sa labing limang araw (15 days) kung sakaling mahuhuli ang mga anak na menor de edad na magmaneho ng sasakyan.

Ayon naman kay PMAJ Leonard Zacarias ng PNP Asingan maaari aniyang managot sa batas ang mga magulang na mapapatunayang pumayag na magmaneho ang menor de edad na anak o kaya ay nagpabaya sa mga ito alinsunod sa Article 59 paragraph 12 ng Presidential Decree No 603 (The Youth and Welfare Code) at Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act). Ang mga batang papayagang magmaneho ng kanilang mga magulang ay bahagi ng “child abuse” dahil mapanganib para sa mga bata ang pagmamaneho.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top