Kasalukuyan ang isinasagawang konstruksiyon ng bagong palengke ng bayan ng Asingan.
Ayon kay Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. na target na matapos ang istraktura bago matapos ang huli at ikatlong termino niya bilang alkalde ng bayan.
Ang pamilihang bayan ay isa sa mga pangarap ni Mayor Lopez Jr. para sa mga residente ng Asingan at kabilang sa mga nagbigay ng suporta upang pondahan ito ay sina Senador Mark Villar, Senadora Imee Marcos, Senador Bong Revilla at Senador Francis “Tol” Tolentino.