Kalahating milyong halaga ng mga native na manok at organic feeds ipapamigay ng DA Region 1 sa bayan ng Asingan; karne at itlog mula sa Free Range Chicken mas ligtas kainin ayon sa mga eksperto.
Bayan ng Asingan kauna-unahan sa 6th District at gustong gawing model sa Pangasinan pagdating sa Free Range Chicken ayon sa Department of Agriculture
Kaninang hapon ay pormal ng lumagda sa isang kasunduan ang Department of Agriculture Regional Field Office at ang Lokal na Pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni lodi Mayor Carlos Lopez Jr. kasama ang magiging benipesaryo na Nagkaisa Multi-Purpose Cooperative kung saan ay makakatanggap sila ng financial assistance na nagkakahalaga ng P500,000 mula sa IFED o (Enhancing) Innovative Family Enterprise Development sa pamamagitan ng Free Range Chicken. Nasa pitong daan na mga sisiw ang aalagaan ng nasabing kooperatiba hanggang ito ay lumaki at ituturo din naman ang proseso sa ibang mga barangay sa bayan ng Asingan.
Dahil karamihan ng mga manok na inahahain ay pawang puno ng kemikal at antibiotic na nakakasama sa ating kalusugan. Ang “free-range” ay isang paraan sa pag-aalaga ng mga manok, kung saan ang mga ito ay malayang nakapaglalaboy sa kabukiran na kumakain lamang ng mga damo at halaman o natural na mga pagkain.
Tinalakay din ni Dr. Jovita M. Datuin, Chief Science Research Specialist ng Department of Agriculture Regional Field Office 1, ang free-range chicken production bilang isang cost-effective at sustainable livelihood project para sa mga pamilya.
Mula sa 60 piraso na itlog na nilalabas mula sa inahin ay kaya nitong paabutin ng hanggang 200 piraso.
Arya Asenso Asingan