Kahapon, March 10, ay binisita ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang iba’t ibang mga proyekto na para sa unang quarter ng taong 2021.
Unang binisita ng alkalde ang Dairy Box ng Bantog Samahang Nayon Cooperative kung saan pinapatayo ang 2-storey building na paglalagyan ng lahat nang nagawang produkto mula sa gatas ng kalabaw. Ang proyekto ay mula sa pondo ni ABONO Partylist Congressman Condrado Estrella III.
“Tinignan natin yung accomplishment ng bago nilang facility. So nasa 40% naman na sila, pinuntahan din natin yung ating tatlong bagong evacuation center saka covered court sa barangay Baro, Sanchez saka Cabalitian kung saan ang layunin natin is madagdagan yung mga facility na gagamitin ng mga barangay natin sa bayan ng Asingan.” ani Mayor Lopez.
Sunod naman na pinagtuunan ng pansin ni Mayor Lopez ang pagbibigay ng 4-wheel na multi-purpose vehicle sa sampung barangay.
“I-evaluate natin yung mga barangay at nakita naman natin na ito ang problema talaga, yung kasangkapan ng barangay. Layunin natin na dapat per barangay meron silang sariling bagong patrol vehicle para marespondehan ang lahat ng pangangailangan ng barangay para at least immediately makapag-respond tayo sa mga emergencies.” saad ng alkalde.
Isa sa mga barangay na nabigyan ng sasakyan ang barangay Bobonan.
“Kaya kung may available tayong fund, pagsikapan natin sa tulong ng Sangguniang Bayan at ng mga barangay officials (na) makapagpondo tayo galing sa 20 percent development fund for next year. Baka hindi lang sampu tignan ko yung fund na dadating sa atin for 2022.” pahayag ni Mayor Lopez.